Sinabi kahapon ni Press Undersecretary Roberto Capco na dapat matakot ang mga oposisyong kandidato dahil sa pangangampanya para sa kanila ni Estrada sa mga lalawigan.
Sinabi pa ni Capco na malaking dagok sa oposisyon ang desisyon ng Supreme Court na si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang lehitimo ngayong presidente ng bansa at maituturing nang nagbitiw sa tungkulin si Estrada.
Isa naman sa kandidatong senador ng oposisyon na si dating Press Secretary Ricardo Puno ang naghamon sa mga kandidato ng makaadministrasyong People Power Coalition na makipagdebate sa kanila hinggil sa napapanahong isyu para sa kapakanan ng taumbayan.
Pinuna ni Puno ang paglihis ng mga kandidato ng PPC sa usapin ng pulitika ng pagkamuhi sa halip na talakayin ang hinggil sa edukasyon,kabuhayan, magandang pamamahala, katarungan at trabaho para sa mamamayan. (Ulat ni Ely Saludar)