^

Bansa

Puwersa candidates nanganganib

-
Nanganganib na matalo ang mga kandidato ng oposisyong Puwersa ng Masa dahil sa pagiging malapit nito kay dating Pangulong Joseph Estrada.

Sinabi kahapon ni Press Undersecretary Roberto Capco na dapat matakot ang mga oposisyong kandidato dahil sa pangangampanya para sa kanila ni Estrada sa mga lalawigan.

Sinabi pa ni Capco na malaking dagok sa oposisyon ang desisyon ng Supreme Court na si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang lehitimo ngayong presidente ng bansa at maituturing nang nagbitiw sa tungkulin si Estrada.

Isa naman sa kandidatong senador ng oposisyon na si dating Press Secretary Ricardo Puno ang naghamon sa mga kandidato ng makaadministrasyong People Power Coalition na makipagdebate sa kanila hinggil sa napapanahong isyu para sa kapakanan ng taumbayan.

Pinuna ni Puno ang paglihis ng mga kandidato ng PPC sa usapin ng pulitika ng pagkamuhi sa halip na talakayin ang hinggil sa edukasyon,kabuhayan, magandang pamamahala, katarungan at trabaho para sa mamamayan. (Ulat ni Ely Saludar)

CAPCO

ELY SALUDAR

ISA

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PEOPLE POWER COALITION

PRESS SECRETARY RICARDO PUNO

PRESS UNDERSECRETARY ROBERTO CAPCO

SINABI

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with