^

Bansa

'Erap bawal pumalit kay Loi' - Comelec

-
Hinarang ng Commission on Elections ang napaulat na posibleng pagkandidatong senador ni dating Pangulong Joseph Estrada kapalit ng asawa nitong si Dra. Luisa "Loi" Ejercito na guest senatorial candidate ng oposisyong Laban ng Demokratikong Pilipino-Puwersa ng Masa.

Sinabi kahapon ni Comelec Commissioner Resurreccion Borra na, sa en banc meeting ng komisyon kamakalawa ng gabi, napagkasunduan na hindi puwedeng palitan ng ibang kandidato sina Gng. Ejercito at ang 13 iba pang indipendiyenteng kandidatong senador.

Sinabi ni Borra na nilinaw ng Comelec na maaari lang palitan ang isang kandidato kapag namatay ito, nadiskuwalipika o umatras sa eleksyon.

Hindi anya kailangang kamag-anak ang papalit sa isang kandidato.

Ipinaliwanag ni Borra na ang mga rehistradong partido lang ang pinapayagang magtalaga ng kapalit ng kandidato nilang namatay, umatras ng kandidatura o nadiskuwalipika bago idaos ang halalan.

"Malinaw na hindi maaaring palitan ang mga independent candidate tulad ng dating Unang Ginang. Hindi puwedeng pumalit sa kanya ang kanyang asawa," sabi pa ni Borra sa isang panayam.

Idinagdag ni Borra na hindi rin puwedeng palitan ang 13 pang independent senatorial candidate dahil hindi naman sila kandidato ng anumang partido pulitikal.

Kabilang sa mga independiyenteng kandidatong senador sina reelectionist Senators Ramon Magsaysay Jr. at Franklin Drilon, dating House Speaker Manuel Villar at dating Makati Congressman Joker Arroyo na pawang guest candidate ng makaadministrasyong People Power Coalition. (Ulat ni Pia Lee-Brago)

BORRA

COMELEC COMMISSIONER RESURRECCION BORRA

DEMOKRATIKONG PILIPINO-PUWERSA

EJERCITO

HOUSE SPEAKER MANUEL VILLAR

MAKATI CONGRESSMAN JOKER ARROYO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PEOPLE POWER COALITION

PIA LEE-BRAGO

SENATORS RAMON MAGSAYSAY JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with