Banker, hinirang na Energy chief

Pormal na itinalaga kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang kalihim ng Department of Energy ang managing director ng Deutche Bank AG Branch na si Jose Isidro Camacho.

Tiwala si Arroyo na, ngayong may bagong kalihim na ang DOE, maaaksyunan agad ang mga problema sa enerhiya tulad ng napipintong bagong pagtaas ng presyo ng langis. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments