Ayon kay Party-List Rep. Patricia Sarenas (Abanse! Pinay), dapat na iutos ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagpapahinto ng escort system dahil maituturing umano itong isang lucrative business ng mga tiwaling tauhan ng NAIA.
Naunang nabunyag ang escort system nang imbestigahan ito ng House Committee on Women at ng Committee on Good Government ang mga kaso ng overseas Filipino workers (OFWs) na nakakalabas ng bansa nang hindi dumaraan sa tamang proseso.
"Maliwanag na kapag may koneksyon ka sa Immigration at sa airport officials ay madali kang makakapasok at makakalabas ng bansa nang hindi namamalayan ng media," ani Sarenas, chair ng House Committee on Women. (Ulat ni Malou Rongalerios)