Nakulong na OFW sa Saipan piniyansahan
Inihayag kamakalawa ng office of legal assistance for migrant workers ng Department of Foreign Affairs na babayaran nito ang $3,000 piyansa para sa pansamantalang paglaya ng overseas Filipino worker na sina Archie Macapagal, Ronalia de Guzman Navarro, Rolando Pambid, Romeo Montoya, Nelia Florendo at Thelma Tejano na nakulong sa Saipan makaraang makupiskahan ng pekeng $5,000 pagdating nila sa paliparan ng naturang teritoryo ng United States noong Pebrero 24. (Ulat ni Rose Tamayo)