Sinabi ni DFA Undersecretary Lauro Baja na patuloy pa rin ang pagpasok ng mga barkong pangisda ng mga Intsik sa naturang teritoryo para manguha ng mga pawikan at ilang lamang-dagat.
May bago anyang ulat na nakasabat na naman ang Philippine Navy ng mga barkong Intsik sa Scarborough. Bukod pa ito sa apat na barko na nakumpiskahan ng mga pawikan may dalawang linggo na ang nakakaraan. (Ulat ni Rose Tamayo)