^

Bansa

Palihim na pagbalik ni Laarni hahalukayin

-
Inutos kahapon ni Bureau of Immigration Commissioner Andrea Domingo ang masusing imbestigasyon sa umano’y iligal na pagpasok at paglabas ng kalaguyo ni dating Pangulong Joseph Estrada na si Laarni Enriquez sa Ninoy Aquino International Airport pagbalik nito sa bansa noong Linggo ng gabi mula sa Agana, Guam lulan ng eroplano ng Continental Air Micronesia.

Pinuna ni Domingo na hindi dumaan si Enriquez sa arrival counter ng BI na isang rekisitos sa mga dumarating na pasahero. Ito anya ang dahilan kaya hindi lumitaw ang pangalan ng dating aktres sa computer record ng BI sa mga dumarating na pasahero sa NAIA. Lumilitaw din na iba ang dinaanan ng babae sa airport.

Isang dating opisyal ng Philippine National Police na tinatawag na DJ ang sumundo umano kay Enriquez sa paliparan.

Samantala, tiniyak ni Justice Secretary Hernando Perez na hindi tetestigo si Enriquez laban kay Estrada dahil may pinangangalagaang interes ang babae.

Ayon naman kay Speaker Feliciano Belmonte, mababawi ng pamahalaan ang P650 milyong bank account ni Enriquez. Kailangan anyang patunayan ni Enriquez na kinita niya sa ligal na paraan ang naturang salapi. (Ulat nina Butch Quejada, Jhay Mejias, Grace Amargo at Marilou Rongalerios)

BUREAU OF IMMIGRATION COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

BUTCH QUEJADA

CONTINENTAL AIR MICRONESIA

ENRIQUEZ

GRACE AMARGO

JHAY MEJIAS

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

LAARNI ENRIQUEZ

MARILOU RONGALERIOS

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with