PSN man nahalal na MPC president

Si Ely Saludar ng radio DZXL at Pilipino Star NGAYON ang nahalal na bagong presidente ng Malacañang Press Corps kapalit ni Tony Velasquez ng ABS-CBN. Si Marichu Villanueva ng Philippine Star (kapatid na diyaryo ng PSN) ang nahalal na vice-president for print; Maki Pulido ng GMA-7 ang vice-president for television; Elmar Acol, vice president for radio.

Ang iba pang nahalal na mga bagong opisyal ng MPC ay sina: Weng dela Fuente ng Net 25 bilang secretary; Cely Bueno ng DWIZ bilang treasurer; Donna Cueto ng Philippine Daily Inquirer bilang auditor at Allan Lopez ng DZEC at Sam Mediavilla ng Radio Veritas bilang Sgt.-at-Arms.

Nakatakda silang manumpa sa kanilang tungkulin kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa loob ng linggong kasalukuyan. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments