^

Bansa

Joma, bibigyan ni GMA ng immunity

-
FORT DEL PILAR, Baguio City – Nakahanda ang pamahalaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na pagkalooban ng immunity laban sa pag-aresto si exiled Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front founding Chairman Jose Maria Sison upang makabalik ito sa bansa.

Ito ang inihayag kahapon ni Acting Defense Secretary Eduardo Ermita na kasalukuyan ring Presidential Adviser on Peace Process.

Sinabi ni Ermita na ang pagbibigay ng safe conduct pass kay Sison ay maaring makapagpabilis ng panunumbalik ng nabalam na peace talks ng gobyerno sa hanay ng CPP-NPA-NDF.

Si Sison ay na-exiled sa The Netherlands noong 1987 isang taon matapos itong makalaya sa kaniyang detention center sa bansa sa ilalim ng rehimen ni dating Pangulong Aquino.

Maliban sa kasong rebelyon si Sison ay idinidiin rin ng Armed Forces of the Philippines sa pagkakasangkot sa pagpaslang sa tinatayang daan-daang espiya ng gobyerno noong dekada 80. (Ulat ni Joy Cantos)

ACTING DEFENSE SECRETARY EDUARDO ERMITA

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARMY-NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

BAGUIO CITY

CHAIRMAN JOSE MARIA SISON

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES-NEW PEOPLE

JOY CANTOS

PANGULONG AQUINO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PEACE PROCESS

PRESIDENTIAL ADVISER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with