Dayuhang imbestigador para sa Popoy ambush

Pahihintulutan lang ng Philippine National Police sa aspetong teknikal ang mga dayuhang imbestigador sa pagkakapaslang sa labor leader na si Felimon Lagman.

Sa isang panayam sa Alumni Homecoming ng Philippine Military Academy Sa Baguio City kahapon, sinabi ni Acting PNP Chief Deputy Director General Leandro Mendoza na pinayagan nila ang pamilya ni Lagman na umupa ng mga dayuhang imbestigador pero limitado lang ito.

Nasa PNP pa rin ang usapin sa pagdakip at pag-uusig sa mga suspek. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments