Pasaporte pabibilisin

Balak ni Vice President at Department of Foreign Affairs Secretary Teofisto Guingona na pabilisin ng isa o dalawang araw ang pagpoproseso sa pagkuha ng mga passport sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga tauhan ng DFA.

Ito ang nabatid kahapon kay DFA Undersecretary Lauro Baja na nagsabing nangangailangan ng dagdag na 43 empleyado ang consular affairs division ng departamento.

Maaari anyang hindi pa maipatupad ngayong taong ito ang paggamit ng machine-readable passport at visa project.

Kabilang pa sa mga proyektong nais ipatupad ni Guingona ang pagpapaibayo sa Official Development Assistant para matulungan ang Mindanao at pagbuo ng maraming labor agreement para sa mga overseas Filipino worker. (Ulat ni Rose Tamayo)

Show comments