Sinabi ni Mike Juneta, legal adviser ng Commission on Elections, na maaaring kumandidatong senador si Estrada kapalit ng asawa nito kapag umatras ito sa eleksyon.
Nagbabala naman si Senate President Aquilino Pimentel na, kapag kumandidatong senador si Estrada, hihina ang argumento nito na ito pa rin ang presidente ng Pilipinas. Hihina rin anya ang petisyon ng dating Pangulo sa Supreme Court.
Sa isa namang pagtitipon kahapon sa Club Filipino sa San Juan, nagsanib sa ilalim ng Puwersa ng Masa Coalition ang Laban ng Demokratikong Pilipino at Partido ng Masang Pilipino.
Inihayag din ng PMC ang mga kandidato nilang senador na sina Ed Angara, Dra. Loi Ejercito, Noli de Castro, Alberto Fenix, Gregorio Honasan, Panfilo Lacson, Orlando Mercado, Jamby Madrigal, Juan Ponce Enrile, Ricardo "Dong" Puno, Miriam Santiago at Ombra Tamano. (Ulat ni Danilo Garcia)