^

Bansa

Loi sasagipin ang asawa sa pulitika

-
Maaaring binabalak ni dating Pangulong Joseph Estrada na bumalik sa pulitika sa pamamagitan ng asawa niyang si dating Unang Ginang Dr. Luisa "Loi" Ejercito na kabilang sa 13 kandidatong senador ng Laban ng Demokratikong Pilipino, ayon sa mga opisyal at analyst kahapon.

Sinabi ni Mike Juneta, legal adviser ng Commission on Elections, na maaaring kumandidatong senador si Estrada kapalit ng asawa nito kapag umatras ito sa eleksyon.

Nagbabala naman si Senate President Aquilino Pimentel na, kapag kumandidatong senador si Estrada, hihina ang argumento nito na ito pa rin ang presidente ng Pilipinas. Hihina rin anya ang petisyon ng dating Pangulo sa Supreme Court.

Sa isa namang pagtitipon kahapon sa Club Filipino sa San Juan, nagsanib sa ilalim ng Puwersa ng Masa Coalition ang Laban ng Demokratikong Pilipino at Partido ng Masang Pilipino.

Inihayag din ng PMC ang mga kandidato nilang senador na sina Ed Angara, Dra. Loi Ejercito, Noli de Castro, Alberto Fenix, Gregorio Honasan, Panfilo Lacson, Orlando Mercado, Jamby Madrigal, Juan Ponce Enrile, Ricardo "Dong" Puno, Miriam Santiago at Ombra Tamano. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ALBERTO FENIX

CLUB FILIPINO

DANILO GARCIA

DEMOKRATIKONG PILIPINO

DR. LUISA

ED ANGARA

GREGORIO HONASAN

JAMBY MADRIGAL

JUAN PONCE ENRILE

LABAN

LOI EJERCITO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with