^

Bansa

Pinoy, comatose dahil sa torture ng Saudi police

-
Isang Pilipino na testigo at isa pang Pilipino na akusado sa pagpaslang sa isa nilang kababayan sa Saudi Arabia ang dumanas ng torture sa kamay ng mga awtoridad sa naturang bansa.

Isang reklamong nakarating sa tanggapan ng Consular Affairs Division ng Department of Foreign Affairs ang nagsasaad na na-"comatose" ang isang bilanggong Pilipino na si Wilfredo Bautista dahil sa pag-"torture" umano sa kanya ng Saudi Police.

Kabilang si Bautista sa anim na overseas Filipino worker na napipintong mapugutan dahil sa pagpatay nila sa isa pang Pilipinong si Jaime dela Cruz sa Taif, Saudi Arabia noong Enero 1999.

Makakaiwas sila sa parusang bitay kung tatanggap ng blood money ang biyuda ni dela Cruz.

Inireklamo naman ng asawa ni Bautista na si Marissa Pangilinan na nabalda ang katawan ng kanyang mister bukod sa nabalian ito ng baywang at tanging mga mata na lang nito ang gumagalaw dahil sa dinanas nitong torture.

Mula sa Al Hada Armed Forces Hospital ay inilipat si Bautista sa King Faisal Hospital sa naturang bansa dahil sa tinamo nitong pinsala sa katawan.

Isa naman sa umano’y testigo sa kasong pagpaslang kay dela Cruz na si Russel Catibog ang nagreklamo sa Office of Legal Assistant for Migrant Workers na tinorture siya ng Saudi Police para isangkot niya ang anim na OFW sa krimen kahit hindi niya nakita ang pangyayari. (Ulat ni Rose Tamayo)

AL HADA ARMED FORCES HOSPITAL

BAUTISTA

CONSULAR AFFAIRS DIVISION

CRUZ

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ISANG PILIPINO

KING FAISAL HOSPITAL

MARISSA PANGILINAN

SAUDI ARABIA

SAUDI POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with