Ito ang nabatid kahapon kay Acting Foreign Affairs Secretary Lauro Baja na nagsabing hiniling din ng China ang paglayas ng mga patrol boat at eroplano ng Pilipinas sa Scarborough Shoal.
Inakyat umano ng mga tauhan ng Navy ang mga barkong Intsik noong nakaraang linggo dahil sa pagtanggi ng mga ito na umalis sa naturang lugar.
Kinumpiska ng Navy sa naturang mga barko ang mga pagong na iligal na hinuli ng mga mangingisdang Intsik. Pinayagan nilang umalis ang mga barko bagaman wala namang inaresto.
Tinutulan din ng China ang pahayag ng militar ng Pilipinas na nagsasagawa sila ng sovereignty patrol sa naturang lugar. (Ulat ni Rose Tamayo)