Pagbukas sa 2nd envelope ayaw na ni Roco
February 2, 2001 | 12:00am
Pabor na ngayon si Senador Raul Roco na huwag nang buksan ang envelope na naglalaman ng mga dokumento sa pangalawang Jose Velarde bank account at nagdidiin kay dating Pangulong Joseph Estrada.
Sinabi ni Roco na hindi na kailangang piliting buksan ang envelope dahil pinagbotohan ito ng mayorya ng Senado.
Kabilang si Roco sa 10 senador na pumabor noon sa pagbubukas ng dokumento pero natalo sila ng 11 senador na kontra rito. Nagbunsod ito sa walkout ng mga prosecutor at ng pangalawang people power revolution.
Samantala, sinabi kahapon ni Ombudsman Aniano Desierto na personal siyang pupunta sa Senado para makuha ang naturang envelope.
Sinabi ni Desierto na gagawin niya ang hakbang dahil matagal nang hindi tumutugon si Senate President Aquilino Pimentel sa kanyang sulat na ipadala sa kanyang tanggapan ang naturang ebidensya. (Ulat nina Doris Franche at Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest