Erap at Orly nagkabalikan
February 2, 2001 | 12:00am
Pinatawad na ni dating Pangulong Joseph Estrada si dating Defense Secretary Orlando Mercado sa pagsama nito sa people power 2 revolution noong Enero 19 na nagpatalsik sa kanya sa tungkulin.
"Nagpaliwanag siya sa nangyari at naintindihan ko naman siya," sabi ni Estrada sa isang panayam sa kanyang bahay sa Greenhills, San Juan.
Sinasabi raw ni Mercado na biglaan ang nangyari at nadala siya sa pagbawi ng suporta kay Estrada ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Angelo Reyes at ng buong puwersa ng AFP.
Sina Mercado at Reyes ay kasama pa ni Estrada sa Presidential Residence sa Malacañang hanggang alas-12:00 ng tanghali noong Enero 19. Kinahapunan nang araw na iyon nang sumama sina Reyes at Mercado sa people power revolution sa EDSA Shrine na naging dahilan ng pagbaba ng dating Pangulo sa puwesto.
Nakapagpaalam pa muna umano si Reyes kay Estrada pero hindi si Mercado kaya labis na dinamdam ng dating Pangulo ang pagtalikod ng isang malapit na kaibigan.(Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended