Ito ang nabatid kahapon sa isang impormante sa Malacañang na nagsabing nalalagay sa balag ng alanganin si Abadia dahil sa pagkakasangkot niya sa anomalya sa Retirement, Separation and Benefit System ng Armed Forces of the Philippines.
Ang paghirang kay Abadia bilang national security adviser ang naging pangunahing dahilan ng pagbibitiw sa puwesto ni Defense Secretary Orlando Mercado na nagpahiwatig na hindi nito makakasundo ang una.
Sa kaugnay na ulat, napipisil umano ng Pangulo na italagang kalihim ng Department of National Defense si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Angelo Reyes kapag nagretiro na ito sa Marso.
Itatalaga naman ng Pangulo bilang bagong hepe ng AFP si 1Lt. Gen. Edgardo Espinosa.
Si Espinosa ay mula sa Philippine Marines na unang kumalas sa administrasyon ni dating Pangulong Joseph Estrada para lumahok sa pangalawang people power revolution. (Ulat ni Ely Saludar)