Negosasyon sa 2 bihag ng NPA hiniling sa Pangulo
January 29, 2001 | 12:00am
Nakahanda ang New Peoples Army ng Communist Party of the Philippines na pakawalan ang bihag nitong isang army major at isang police chief inspector kapag nakipagnegosasyon sa kanila si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Ito ang nabatid kahapon sa isang dating tagapagsalita ng National Democratic Front na si Satur Ocampo na nagsabing nagpaabot sa kanya ng naturang impormasyon ang lider ng NPA na si Gregorio Rosal alyas Ka Roger.
Sinabi ni Ocampo na ang alok na pagpapalaya kina Army Major Noel Buan at Police Chief Insp. Abelardo Martin ay isang pahiwatig ng sinseridad ng mga rebelde sa pagbuhay sa usaping pangkapayapaan.
Nasa mabuti anyang kalusugan at kalagayan sina Buan at Martin na dinukot ng NPA noong Agosto 1999. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended