Ito ang nabatid sa isang mapapanaligang impormante na nagsabing nakipagkita umano si Jimenez sa mga opisyal ng Department of Justice noong Biyernes at pumayag na isiwalat ang nalalaman niya hinggil sa napatalsik na dating Pangulo.
Sinabi pa ng impormante na pumayag magsalita si Jimenez nang magbanta ang DOJ na magsasampa ito ng kasong plunder laban sa kanya.
Ipinalalagay naman ng ilang opisyal ng DOJ na ginawa ni Jimenez ang hakbang para maobliga siyang manatili sa Pilipinas bagaman wanted siya sa Amerika. (Ulat ni Liberty Dones)