Ginawa ng BOC ang desisyon dahil legal umano ang lahat ng mga dokumentong ipinakita ng consignee sa una bukod sa walang nakahalo ritong mga salaping Pilipino.
Isinakay ang kargamento sa Cathay Pacific Airlines flight CX-904 bandang alas-7:00 ng umaga kahapon sa NAIA patungo sa Hong Kong bago ito ideretso sa U.S..
Sinabi ni Customs deputy collector Teresita Roque na may $11.6 milyon lamang ang nabilang ng kanilang mga examiner para alamin kung may kasama ritong pera ng Pilipinas.
Pinuna naman ng manager ng Bank of America-Philippines na $3 milyong bank notes lang ang nakalaan sa kanila para dalhin sa Hong Kong. Masyado anyang naging overacting ang ilang tauhan ng Customs.
Naunang pinigil ang salapi dahil sa naglalabasang ulat na tangkang magpuslit ng milyong dolyar palabas ng bansa ni dating Pangulong Joseph Estrada. (Ulat ni Butch Quejada)