Pinuna ni Estrada na ipinasya ng Senado na tapusin na ang paglilitis at buwagin ang impeachment court kahit hindi pa niya naibibigay ang kanyang panig. Hindi anya parehas ito dahil ang panig lang ng tagausig ang narinig.
Nahinto ang paglilitis noong Enero 17 nang magbitiw ang 11 kongresistang prosecutor na bunsod ng pagtanggi ng mayorya ng Senado na tanggapin ang isang ebidensya laban kay Estrada. (Ulat ni Lilia Tolentino)