US$ 1 aabot sa P55

Nalalapit nang umabot sa P55 kada dolyar ang halaga ng piso kapag naabsuwelto si Pangulong Joseph Estrada sa kasong impeachment.

Ito ang inihayag kahapon ng oposisyong kongresistang si Bohol Rep. Ernesto Herrera para pasinungalingan ang prediksyon ni Executive Secretary Edgardo Angara na babalik sa P46-$1 ang halaga ng piso kapag napawalang-sala si Estrada.

Idiniin ni Herrera na matatakot na ang mga dayuhang negosyante na pumasok sa Pilipinas at magkakagulo ang stock market kapag nanatili sa puwesto ang Pangulo. (Ulat ni Marilou Rongalerios)

Show comments