Martial law nakaamba — Villar

Mistula umanong martial law ang panggigipit ngayon sa mga kalaban ng administrasyon lalo na sa oposisyong pulitikal, ayon kay dating House of Representatives Speaker Manuel Villar.

Sinabi ni Villar na kahapon, isang bomb threat ang tinanggap ng punong tanggapan sa Cubao, Quezon City ng Camella and Palmera Homes na isang kumpanyang itinatag niya noong dekada ’80.

Bukod dito, binanggit ni Villar ang wiretapping sa telepono at pagbuhay sa mga luma at nadismis nang kaso ng mga oposisyong pulitikal. (Ulat ni Malou Rongalerios)

Show comments