994 dayuhan naging Pinoy na

Umaabot sa 994 banyaga ang inuulat kahapon ni Immigration Commissioner Rufus Rodriguez ang naaprubahang maging Filipino Citizen matapos mapatunayan na ang mga ito ay may dugong Filipino.

Ang nasabing mga banyaga na naging Pinoy ay inaprubahan din ng Department of Justice(DOJ) kaya’t puwede na nitong tamasahin ang mga karapatan at pribelehiyo ng isang Pinoy.

Dinagdag pa ni Rodriguez na simula noong Agosto hanggang Disyembre 1999 ay mayroon ng 135 banyaga ang naging Filipino. (Ulat ni Rey Arquiza)

Show comments