Senatorial wannabees ng Lakas-NUCD umabot na sa 25
January 7, 2001 | 12:00am
Umabot sa 25 na katao ang balak tumakbong senador sa partido ng Lakas-NUCD sa darating na halalan sa Mayo.
Ito ang naging pahayag kahapon ni Isabela Congressman Heherson Alvarez, secretary general ng Lakas kaugnay na rin sa pagdami ng mga pagpipiliang senatoriable.
Niliwanag ni Alvarez na okupado na ang walong slot na nauna nang napagkasunduan ng partido bago pa man lumaki ang bilang ng oposisyon dahil sa nagaganap na krisis sa politika.
Bukod kay Alvarez na kabilang sa siguradong kakandidato ng Lakas sa Senado ay sina re-electionist Senador Juan Flavier, Sergio Osmena III, Makati Cong.Joker Arroyo, Bohol Cong.Ernesto Herrera, dating Bulacan Governor Obet Pagdanganan, at mga dating senador na sina Alberto Romulo at Santanina Rasul. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest