^

Bansa

Miriam lumambot sa 3 miron

-
Pumayag na si Senador Miriam Defensor-Santiago na papasukin muli sa Senado ang tatlong miron na sina Dante Jimenez ng Volunteer Against Crime and Corruption, Rosanna Fores na isang kamag-anak ng asawa ni Vice President Gloria Arroyo; at Betina Aboitiz na isang kagawad ng Barangay Forbes sa Makati City.

Sinabi ni Santiago na payag na siyang umupo sa gallery ng session hall at manood sa paglilitis sa kasong impeachment ni Pangulong Joseph Estrada ang tatlo basta’t susundin ng mga ito ang mga regulasyon ng korte tulad ng pananahimik.

Idiniin ni Santiago na kailangan lang ipatupad ang disiplina tulad ng pagbabawal sa pagtawa at paglikha ng ibang ingay dahil nakakaabala ito sa pagdinig pero hindi anya ito nangangahulugan na hindi na maaaring gumalaw ang audience sa gallery. Idinagdag niya na gagawa siya ng paraan sa Lunes para makapanood muli ang tatlo nang walang kundisyon.

Pinag-initan ni Santiago ang tatlong miron nang inakala niyang tinitingnan siya ng mga ito nang masama at nagtayuan habang tinatanong ni Senador-Judge Raul Roco ang isang testigo kamakalawa. (Ulat nina Doris Franche at Rose Tamayo)

vuukle comment

BARANGAY FORBES

BETINA ABOITIZ

DANTE JIMENEZ

DORIS FRANCHE

MAKATI CITY

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

ROSANNA FORES

ROSE TAMAYO

SENADOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

SENADOR-JUDGE RAUL ROCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with