2000 taon ng kalamidad
January 1, 2001 | 12:00am
Mistulang naging taon ng kalamidad na gawa ng tao at ng kalikasan ang 2000 na ang pagtatapos kahapon ay minantsahan ng madugong pambobom ba sa ibat ibang bahagi ng Metro Manila na ikinamatay ng 14 na tao at ikinasugat ng mahigit 90 biktima.
Nitong nagdaang taong 2000, sinakmal ng mga trahedya ang Pilipinas tulad ng pananalanta ng malakas na bagyo, pagbagsak ng eroplano, pagbulusok ng ekonomiya, pagsabog ng isang bulkan at pagkamatay ng mahigit 220 iskuwater sa gumuhong tambakan ng basura.
Nitong Sabado, binomba ang isang bus sa Quezon City, isang tren ng Light Rail Transit, Plaza Ferguson malapit sa United States Embassy, Ninoy Aquino International Airport at isang lugar sa labas ng isang hotel sa Makati City.
Noong Oktubre 2000, ibinulgar ni Ilocos Sur Governor Luis Singson ang pagtanggap ni Pangulong Joseph Estrada ng jueteng payola. Nagbunsod ito para i-impeach" siya ng House of Representatives at litisin siya ng Senado sa mga kasong bribery, graft and corruption, betrayal of public trust at violation of Cons- titution.
Lalong nag-atrasan ang mga mamumuhunan sa bansa at lalong bumagsak ang halaga ng piso kontra sa dolyar na umabot sa P50 kada dolyar.
Pumutok naman ang bulkang Mayon noong Pebrero na dahilan para mawalan ng tahanan ang may 8,000 katao. Noong Abril din ng nakaraang taon, isang pampasaherong eroplano ng Air Philippines ang bumagsak sa isang niyugan sa Davao na ikinamatay ng 131 pa- sahero nito. Sa panahon ng mga bagyo, may 345 katao ang nasawi at libu-libong mamamayan ang nawalan ng tahanan. Noong Hulyo ng taon ding iyon, 220 residenteng iskuwater ang natabunan at namatay sa pagguho ng isang bahagi ng mala king tambakan ng basura sa Payatas, Quezon City.
Bago pa man lumitaw ang krisis pulitikal na bunsod ng jueteng scandal, naging sakit ng ulo ng pamahalaang Estrada ang pangingidnap ng mga bandi dong Abu Sayyaf. Noong Marso, dinukot ng mga bandido ang mahigit 50 batang mag-aaral at guro at isang pari sa Basilan. Pagkaraan ng ilang linggo, kinidnap ng Abu Sayyaf sa Sipadan, Malaysia ang may 19 dayuhan at dalawang Pilipino at binihag sa Sulu.
Sinabi ng National Economic Development Authority na ang pambobomba noong Sabado ay isa pang malubhang hagupit sa ekonomiya.
Nanlupaypay ang stock market at humina ang piso dahil sa paglilitis kay Es trada. Nagbabala ang ilang analyst na baka dumanas ng recession ang bansa ngayong taong 2001.
Pero, sa kanyang mensahe sa pagsalubong sa Bagong Taon, nanawagan si Estrada sa mamamayang Pilipino na huwag mawalan ng loob sa mga problemang sumakmal sa bansa nitong 2000.
"Yakapin natin nang nakangiti ang Bagong Taon," sabi ng Pangulo. "Ngayon at kailanman, manatili tayong matatag at nagkakaisa." (Ulat ng PSN Investigative Reportorial Team)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended