Impeachment trial aabot sa Marso
December 30, 2000 | 12:00am
Nagpahayag kahapon ng pangamba si Bagong Alyansang Makabayan Secretary-General Teodoro Casino na magtatagal hanggang Marso 2001 ang paglilitis sa kasong impeachment laban kay Pangulong Joseph Estrada
Ipinahiwatig niya na, kapag tumagal ang paglilitis, malilipat ang atensyon ng mamamayan sa halalan sa Mayo 2001 at maaaring "ayusin" umano ni Estrada ang mga kumakalaban ditong grupo.
Sinabi pa ni Casino na posibleng maraming miyembro ng anti-Erap movement ang ipahuli o ipapatay sakaling mapawalang-sala ang Pangulo.
Iginiit ni Casino na dapat panindigan ng impeachment court ang deadline nito na Enero 15 o dapat sanang matapos sa loob ng buwan ng Enero ang paglilitis dahil, kung hindi, magkakaroon ng kaguluhan. (Ulat ni Grace R. Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest