^

Bansa

1 senador, 2 kongresista mamamatay sa 2001

-
Isang matabang senador at dalawang kongresista ang mamamatay umano sa susunod na taon, ayon sa corporate psychic na si Danny Atienza.

Sinabi pa ni Atienza na malamang maganap sa first (Enero-Marso) at second quarter (Abril-Hunyo) ng taong 2001 ang pagkamatay ng tatlong mambabatas.

"Sa dalawang kongresista, isa ang bata pa samantalang matanda na ang pangalawa. Mababaril ang isa sa kanila," dagdag ni Atienza na kilala sa hanay ng mga negosyante lalo na sa Makati City.

Sinabi pa ng psychic na magkakagulo sa Pilipinas sa pagitan ng first at second quarter dahil hindi naman bababa sa puwesto si Pangulong Joseph Estrada kahit masentensyahan ito ng Senado sa kasong impeachment.

Binanggit pa ni Atienza na dumarami ang kalaban ni Estrada at dalawang pinakamatalik na kaibigan nito ang tatalikod sa Pangulo. Isa rito ang tumalikod na at ipinahiwatig niya rito si Ilocos Sur Governor Luis Singson.

Hindi lang umano posible pero magkakaroon talaga ng snap elections sa first at second quarter ng 2001.

"Pero nakita kong makikialam ang militar. Talagang magkakagulo. Maraming mamamatay na tao," sabi pa ni Atienza.

Hinulaan pa niya na, sa second quarter, wala nang magbabayad ng buwis sa pamahalaan. Matatapos anya ang kaguluhan sa bansa sa third quarter ng susunod na taon dahil iba na ang presidente at magsisimula ang pag-asenso ng bansa. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ABRIL-HUNYO

ATIENZA

BINANGGIT

DANNY ATIENZA

ENERO-MARSO

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS SINGSON

MAKATI CITY

MALOU RONGALERIOS

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with