Sa 30-pahinang petition for intervention at motion for reconsideration, sinabi ni Desamito na, kahit hindi pa siya naisama sa kasong isinampa ni Civil Service Commissioner Thelma Gaminde, apektado siya ng naturang desisyon ng Mataas na Hukuman na ipinalabas noong Disyembre 13.
Pinuna ni Desamito na tumaliwas ang desisyon ng Hukuman sa tadhanain ng 1987 Constitution hinggil sa panunungkulan ng mga constitutional commissioners. (Ulat ni Grace Amargo)