Ito ang ibinunyag kahapon ni Antonio Gamalinda, chief of staff at liaison officer ni Zamboanga del Sur Congressman George Hofer.
Sinabi ni Gamalinda sa panayam ng local radio station DXRZ na nalaman niyang pinatay ng mga kidnaper si Tiu bandang alas-6:00 ng gabi ng nakaraang Martes nang makausap niya sa telepono ang tiyuhin nitong si Zosing Tiu.
Sinabi pa ni Gamalinda na, batay sa nakalap niyang impormasyon, pinatay ng mga kidnaper si Tiu dahil nabigo ang pamilya nito na magbigay ng P200,000 board and lodging fee.
Dinukot ng 10 armadong lalaking hinihinalang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front sa Barangay Dawa-Dawa, Alicia, Zamboanga del Sur noong Nobyembre 28 si Tiu na asawa ng fishing boat magnate na si Richard Tiu. Humingi ng P5 milyong ransom ang mga kidnaper para sa pagpapalaya sa biktima. (Ulat ni Roel Pareño)