Estrada pinapayat ng impeachment

Kinumpirma ni Executive Secretary Ronaldo Zamora na nabawasan ang timbang ni Pangulong Joseph Estrada dahil sa problema sa kinakaharap nitong kasong impeachment sa Senado.

Sinabi ni Zamora sa panayam kahapon ng radio station RMN News Manila na umabot na sa 15 pounds ang nabawas sa timbang ng Pangulo dahil sa dami ng problema.

Pumayat anya ang Pangulo dahil sa kasong impeachment at sa pagdidiyeta nito.

Pero malaki ang naitulong ng pangangayayat ng Pangulo dahil hindi na sumasakit ang tuhod nito.

Sinabi pa ni Zamora na binago na ng Pangulo ang istilo ng pamumuhay nito at pinagsabihan ang mga kaibigan nito na huwag pumunta sa Malacañang nang gabing-gabi dahil kailangan ni Estrada na magpahinga nang mas maaga para sumabak sa trabaho kinabuskasan. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments