^

Bansa

Equitable Bank sinagip

-
"Ikinanta" ng ilang empleyado ng Equitable-PCI Bank tulad ng vice president nitong si Clarissa Ocampo si Pangulong Joseph Estrada para mailigtas ang kanilang banko na inuulan ng batikos. Sinabi ni Makati Congressman Joker Arroyo sa isang panayam kamakalawa na kailangang lumabas sa kanilang lungga ang mga opisyal ng Equitable para hindi mawala ang integridad nito sa masa.

Ginawa ito ni Arroyo dahil sa banta ng ilang grupo na iboykot ang Equitable na pinaglagakan umano ni Estrada ng koleksyon sa jueteng at iba nitong nakamal na kayamanan. "Siguro naisip nila na kailangang linisin nila ang isyu kaya sinuportahan nila si Ocampo na tumestigo sa kaso," sabi pa ni Arroyo. Sinabi ni Arroyo na masyadong malaki ang sangkot na pera kaya hindi ito dapat maliitin. "Biro mo, P142 milyon kay Jose Yulo, P1.2 bilyon sa savings account, P500 milyon na ipinautang niya sa Wellex ni William Gatchalian. Mayroon pa siyang P400 milyon na jueteng money at P132 milyon doon sa excise tax. Ano pa kaya?" dagdag ng mambabatas na taga-usig. Nitong nagdaang linggo, humarap sa impeachment court ang ilang empleyado ng Equitable para patunayan ang malaking deposito sa naturang banko ng jueteng auditor ni Estrada na si Yolanda Ricaforte.

Pinatunayan naman ni Ocampo na iisang tao lang sina Estrada at Jose Velarde sa isang tseke na ginamit sa pagbili ng Boracay mansion na ipinagamit sa isa sa kalaguyo ng Pangulo. (Ulat ni Malou Rongalerios)

CLARISSA OCAMPO

JOSE VELARDE

JOSE YULO

MAKATI CONGRESSMAN JOKER ARROYO

MALOU RONGALERIOS

OCAMPO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SINABI

WILLIAM GATCHALIAN

YOLANDA RICAFORTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with