Nagbuhay-binata
December 23, 2000 | 12:00am
Marami ang humahanga kay First Lady Loi sa pagtanggap nito sa pagiging "tsikboy" ni Erap. Bibihira umano ang ganitong uri ng babae na nauunawaan ang grabeng pambababae ng asawa. Marami rin naman ang naiinis kay First Lady sa ginagawa nitong pagiging martir umano.
Pero dumating sa punto na hindi nakayanan ni First Lady Loi ang pambababae ni Erap. Sobra na ang pagtitiis. Noong huling bahagi ng dekada 60 ay ipinasya niyang makipaghiwalay kay Erap. Dinala ni Loi ang tatlong anak sa United States at doon nanirahan. May kapatid sa Philadelphia si Loi at dito niya pinalaki ang tatlong anak.
Ang pag-iwan kay Erap ay lalo lamang nagpalala sa problema. Nang mawala ang pusa ay lalong naging malikot ang daga. Kung tutuusiy mas ginusto ni Erap ang desisyong iyon sapagkat nahumaling naman siya kay Guia Gomez, isang dating starlet na nakapareha niya sa Asiong Salonga. Nang mahalal na mayor ng San Juan si Erap ay si Guia ang ipinakilala nitong First Lady.
Si Loi na isang madasalin at palasimbang babae ay kinukurot ang puso habang nasa US na kasama ang tatlong anak. Kahit paano ay hindi maalis sa kanyang isipan na "naagaw" na ng ibang babae ang kanyang asawa. Lalong nadagdagan ang kanyang pag-iisip nang ang tatlong anak ay nagsimulang hanapin ang kanilang ama. Sa tatlong anak, si Jinggoy ang laging naghahanap sa ama at kahit na sinong makitang lalaki ay tinatawag na "Daddy". Bilang isang doktor, nasapol ni Loi na mahirap talagang magkahiwalay ang mag-asawa sapagkat ang naaapektuhan ay ang mga anak. Kaya lamang, wala siyang magawa.
Si Erap ay walang pagbabago kahit na kinakasama niya si Guia. Nakarelasyon niya si Laarni Enriquez at nagkaroon siya ng mga anak dito. Kahit nasa US, nakararating din umano kay Loi ang panibagong "babae" ng asawa. At siyemprey apektado rin siya rito. Panibagong sakit na naman ito ng damdamin sa kanya. (Ulat ni Ronnie M. Halos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest