Sinasabi sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame na nagpupulong bandang alas-8:00 ng gabi sa isang pook-sambahan sa Barangay Aurelio sa San Jose ang may 200 miyembro ng kultong Philippine Benevolent Missionary Association sa pamumuno ng isang Master Sergeant Ruben Ecleo Jr. nang bigla silang lusubin ng mahigit 100 miyembro ng kultong Pulahan na pinamumunuan ni Eddie Quiñanola at pawang armado ng mga itak.
Binihag umano ng mga Pulahan ang mga PBMA pero, pagkalipas ng ilang saglit, lumaban ang mga miyembro ng huli hanggang sa magtagaan ang magkabilang panig.
Sa 11 nasawi, nakilala lang ang pito sa mga ito na sina Edecleo, Alex, Emilio, Bonifacio na pawang may apelyidong Quiñanola; Benny Abatan, Efren Totao at Teofilo Colot. (Ulat ni Joy Cantos)