^

Bansa

Bahay ni Miriam sinugod ng anti-Erap

-
May 40 miyembro ng militanteng grupong Kaakbay o Erap Resign Movement ang lumusob at nag-rally sa harap ng bahay ni Senator-Judge Miriam Defensor-Santiago sa UP Villge, Quezon City kahapon ng umaga.

Sa Senado, nagpahayag ng pagkabahala si Santiago sa ginawang rally ng naturang grupo. Nakiusap siya sa mga ito na huwag idamay ang kanyang pamilya.

Kinondena umano ng mga demonstrador ang umano’y pagkiling ni Santiago kay Pangulong Joseph Estrada na kasalukuyang nililitis sa apat na kasong impeachment.

Sinabi ni Santiago na ninerbiyos ang kanyang mga anak sa ginawa ng mga demonstrador. Binabalya at binabato umano ng mga ito ang gate ng kanyang bahay para mapuwersa siyang bumoto laban kay Estrada.

Sinabi ni Santiago na pinag-iisipan niya ang pagsasampa ng indirect contempt laban sa mga demonstrador at paghahabol sa Supreme Court dahil sa paglabag ng Erap Resign Movement sa kanyang karapatan na magkaroon ng pribado at tahimik na kapaligiran. (Ulat nina Rudy Andal at Doris Franche)

vuukle comment

BINABALYA

DORIS FRANCHE

ERAP RESIGN MOVEMENT

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

SA SENADO

SENATOR-JUDGE MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

SINABI

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with