Komukonsulta sa duwende, hukom pinapa-mental test ng SC
December 12, 2000 | 12:00am
May hawak na kandila, palakad-lakad sa kanyang sala at kokonsultahin ang kaibigan niyang duwende bago siya magbaba ng hatol sa isang nasasakdal sa korte.
Ito ang istilo ni Malabon Regional Trial Court Judge Florentino Floro Jr. kaya inutos ng Supreme Court na sapilitan siyang pumailalim sa mental examination noon pang Pebrero ng taong ito pero sinuway niya ang naturang utos.
Nabatid na inireklamo si Floro ng mga kamag-anak ng isa niyang nililitis dahil hindi umano makatarungan ang ibinaba niyang hatol na ibinatay lang sa pagsangguni niya sa isang "lamang-lupa."
Kahapon, binalaan ng Supreme Court si Floro na papatawan siya ng contempt of court kung patuloy siyang tatanggi na ipatingin ang kanyang pag-iisip sa medical clinic ng Mataas na Hukuman.
Nabatid na, makaraang ipalabas ng Supreme Court noong Pebrero 2000 ang resolusyong nag-oobliga kay Floro na ipatingin ang kanyang utak, nagsampa ang huwes ng kasong administratibo sa Professional Regulation Commission at sa Philippine Medical Association laban kina Dr. Rosa Mendoza at Dr. Celeste Vista ng SC-Medical Clinic para hindi matuloy ang pagsusuri ng mga ito sa kanya. Dahil dito, muling nagpalabas ng resolution ang Supreme Court para atasan si Floro na magpasuri sa mga espesyalista sa pag-iisip.
Nagbabala pa ang Mataas na Hukuman na ipapaaresto at ipapakulong nito si Floro kapag nagpatuloy itong sumuway sa resolusyon. (Ulat ni Grace R. Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
22 hours ago
Recommended