"Jueteng money dinala ko sa Malacañang"- Emma Lim
December 12, 2000 | 12:00am
May P5 milyon mula sa koleksyon sa operasyon ng jueteng ang dinala umano ng isang sekretarya ni Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson na si Emma Lim kay Pangulong Joseph Estrada sa Malacañang noong nakaraang taon.
Sinabi ni Lim sa pagpapatuloy kahapon ng kanyang testimonya sa Senado na lumilitis sa kasong impeachment laban sa Pangulo na ibinigay niya ang bag na naglalaman ng pera sa secretary ni Estrada na nagngangalang Malou sa presidential residence.
Sinabi pa ni Lim, na alam niyang nanggaling sa jueteng ang pera dahil ito ang sinasabi ni Singson sa kanya at sa isa pa nitong empleyado na si Menchu Itchon.
Sinabi ni Lim na, noong nakaraang taon, tinawagan siya ni Singson sa tanggapan nito sa LCS Building, San Andres, Manila at inutusan siyang pumunta sa bahay ng Pangulo sa Greenhills, San Juan. May kasama siyang bodyguard, driver at isa pang aide.
Habang nasa sasakyan, binilang niya ang pera na may denominasyong mga P1,000 kaya nakumpirma niyang umaabot ito sa P5 milyon.
Pero, pagdating sa bahay ng Pangulo, tinawagan siya muli ni Singson at sinabihang magtuloy sa Malacañang. Sinabihan pa siya ng aide ng gobernador na huwag hayaang inspeksyunin ng guwardiya ang attache case. Nang nasa loob na sila ng presidential residence, tinanggap ni Malou ang pera at tinanong siya nito sa wikang Ilokano kung nasaan si Singson
Papalabas na siya nang makita niya ang Pangulo at natitiyak din niyang nakita siya nito.
Ipinakita rin ni Lim ang mga deposit slip na ginamit sa paglagak ng P8.5 milyong halaga ng tseke na ipinadeposito sa kanya ni Presidential Assistant for Bicol Affairs Anton Prieto sa sangay ng Philippine National Bank sa Naga.
Kinontra ni Prieto ang testimonya ni Lim sa pagsasabing wala siyang kinalaman sa operasyon ng jueteng.
Samantala, sinabi kahapon ni Press Secretary Ricardo Puno na nakahanda ang Malacañang na idaan sa ocular inspection ang presidential residence kaugnay ng mga akusasyon ni Lim.
Sinabi naman ng isa pang prosecutor na si Leyte Congressman Sergio Apostol na nakakatanggap ng death threat si Lim.
Samantala, sa labas ng Senado, ilang grupo naman ng mga overseas Filipino worker, abogado, kababaihan, kabataan at manggagawa ang nagsagawa ng sarili nilang Peoples Tribunal para magsagawa ng hiwalay na paglilitis sa mga umanoy kaso ng Pangulo.
Sinabi ni Professor Nemia Pimentel-Simbulan ng University of the Philippines na sinimulan nila ang sarili nilang paglilitis sa Pangulo noon pang Disyembre 10 at lalabas ang kanilang hatol bukas.
Kabilang umano sa mga kaso ni Estrada ang pagtanggal sa maraming manggagawa, all-out war sa Mindanao, cronyism, deregulation, sexual exploitation, hindi pangangalaga sa mga OFW. (Ulat nina Doris Franche, Ely Saludar at Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 29, 2026 - 12:00am