^

Bansa

Prosecution panel di na papalitan

-
Sinabi kahapon ni Batangas Congressman Ralph Recto na hindi kailangang palitan ang mga miyembro ng prosecution panel ng House of Representatives na umuusig sa kasong impeachment laban kay Pangulong Joseph Estrada kaugnay ng paglilitis dito sa Senado.

Sinabi ni Recto na may tiwala sa prosecution team ang 77 kongresistang umindorso sa impeachment complaint.

Ginawa ni Recto ang pahayag bilang tugon sa mungkahi ng Integrated Bar of the Philippines na palitan ang ilan sa miyembro ng prosecution panel dahil hindi umano bihasa ang mga ito na humawak ng naturang kaso.

Pormal na sinulatan kamakalawa ni IBP President Arthur Lim ang prosecution team para ialok ang libreng serbisyo ng ilan nilang magagaling na abogado.

Kabilang sa iminungkahi ng IBP sa House panel sina dating Solicitor General Frank Chavez, Atty. Mario Ongkiko, Rudy Jimenez, Rogelio Vinluan, Alexander Poblador, Eduardo delos Angeles at Saklolo Leano.

Pero sinabi ni Recto, isa sa mga endorser ng impeachment, na maganda naman ang ipinakita ng prosecution team sa nagdaang dalawang araw na paglilitis.

Maaari anyang mga opening jitters lang ang nararanasan ng ilang miyembro ng panel pero mas mahalaga rito ang mga naiharap na testigo.

Napakaaga anya para magkaroon ng kapalit.

"Nasa opening minutes pa tayo at hindi naman agad natin maisasabak ang buong team dahil wala nang papalit sa kanila kapag napagod sila," dagdag ni Recto.

Sinabi pa ni Recto na tiyak na makikita ang galing ng prosecution team kapag isinabak na sa paglilitis ang mga kongresistang sina Joker Arroyo, Bobby Tañada, Oscar Moreno, Oscar Rodriguez, at Raul Gonzales. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ALEXANDER POBLADOR

BATANGAS CONGRESSMAN RALPH RECTO

BOBBY TA

HOUSE OF REPRESENTATIVES

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

JOKER ARROYO

MALOU RONGALERIOS

MARIO ONGKIKO

OSCAR MORENO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with