^

Bansa

BANTAY-LITIS - Impeachment trial aabutin hanggang Enero

-
Sinabi kahapon ng tagapagsalita ng Senate bilang impeachment court na si Atty. Antonio Navarette na aabutin pa hanggang kalagitnaan ng Enero 2001 ang paglilitis sa kasong impeachment laban kay Pangulong Joseph Estrada at hindi kayang matapos ito ngayong Disyembre.

Sinabi ni Navarette na maraming testigo ang ihaharap ng tagausig pero hindi lahat ay puwedeng ipatawag.

Napagkasunduan din ng magkabilang panig sa pre-trial kahapon na 10 testigo ang ihaharap sa unang article o kaso na bribery, 25 sa graft and corruption, pito sa betrayal of public trusts, at 20 sa culpable violation of Constitution.

Inaasahang tatagal ng pito hanggang 10 araw ang paglilitis sa bribery; 12 araw ang sa ikalawang kaso, lima hanggang pitong araw sa sumunod na kaso, at 10 hanggang 12 sa huling asunto.

Inaasahang darating sa unang araw ngayon ng paglilitis ang mga testigong sina Yolanda Ricaforte, Anton Prieto at dating Police Chief Roberto Lastimoso.

Magbibigay naman ng pambungad na pangkalahatang pahayag si House minority leader Feliciano Belmonte na manager ng prosecution panel.

Samantala, mataimtim na mananalangin ngayong araw ding ito ang Pangulo at ipapaubaya niya sa Panginoon ang kahihinatnan ng paglilitis.

Sinabi ni Estrada sa isang panayam na idadalangin nisyang maliwanagan ang mga taong nananawagan sa pagbibitiw niya sa puwesto at para pairalin ang katarungan ng mga senador na juror.

Sinabi ng Pangulo na, bagaman nalugod siya sa mataas na net rating na tinanggap niya sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, sisikapin niyang magtrabaho pa nang puspusan para matupad ang mga pangako niya sa mamamayan. (Ulat nina Doris Franche, Lilia Tolentino)

ANTON PRIETO

ANTONIO NAVARETTE

DORIS FRANCHE

FELICIANO BELMONTE

INAASAHANG

LILIA TOLENTINO

PANGULO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

POLICE CHIEF ROBERTO LASTIMOSO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with