44 Pangasinan mayor lumipat kay Erap
December 6, 2000 | 12:00am
Malamang ikagulat ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na 44 sa 48 mayor ng kanyang lalawigan sa Pangasinan ang umanib sa makaadministrasyong Lapian ng Masang Pilipino nang bumisita si Pangulong Joseph Estrada sa naturang lugar.
Sinabi ng mga opisyal na pinangunahan nina Dagupan City Mayor Alipio Fernandez at Congressman Gener Tulagan na ang mainit na pagtanggap ng mga taga-Pangasinan kay Estrada ay isang pagpapakita ng malawak nilang suporta sa proseso ng Konstitusyon na dapat manaig kaysa sa umanoy mob rule na iginigiit ng oposisyon at ng kaalyado nitong maka-Kaliwa. Maging ang mga opisyal ng PMP at ng pamahalaan na kasama ni Estrada ay hindi makapaniwala sa mainit na suporta kay Estrada ng mga ka-probinsiya ni Ramos at ng iba pang lokal na opisyal na dating miyembro ng Lakas-NUCD.
Pinansin din ng ilang tagamasid ang pagkondena ng mga magsasaka sa stocks rights distribution program ng Hacienda Luisita sa Tarlac na pag-aari ng pamilya ni dating Pangulong Corazon Aquino. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest