Sinasabi sa ulat na tinanggap ng Camp Crame na binabagtas ng kotseng Nissan Safari na kinalululanan ng mga biktima ang kahabaan ng kalsada sa bisidad ng Barangay Baybay sa Angat nang bigla silang paulanan ng mga bala ng mga suspek na lulan naman ng isang pampasaherong jeepney.
Agad na namatay sa pinangyarihan ng krimen ang mga biktima dahil sa mga tama ng mga bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.
Masusing sinisiyasat ng pulisya ang posibilidad na mga kalaban ni Paulino sa pulitika ang may kagagawan ng pananambang bagaman hinihinala rin nilang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang mga suspek.
Sinabi ng tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) na si Sr. Supt. Nicanor Bartolome na madalas na may namamataang mga rebeldeng NPA na kumikilos sa maraming bayan ng Bulacan. (Ulat ni Joy Cantos)