Ayon kay Senate President Aquilino Pimentel, maaari nilang padalhan ng subpoena si Pineda kung kinakailangan dahil mayroon umanong nagsasangkot dito.
Subalit kinakailangan ang paghaharap ng motion upang maging legal ang lahat ng papeles na isusumite sa impeachment court.
Sa kasalukuyan lima pa lamang ang ipapatawag ng Senado na kinabibilangan nina San Juan Mayor Jinggoy Estrada, auditor Yolanda Ricaforte, Atty. Edward Serapio, Betty Bagsik at ang General Manager ng Philippine Clearing House.
Muling ipatatawag si Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson na siyang nagbulgar ng katiwalian ng Pangulo. (Ulat ni Doris Franche)