PMA class '76 at '78 magma-mass leave
December 2, 2000 | 12:00am
Nakatakdang mag-"leave" o magbakasyon ang nakakaraming nagsipagtapos o graduate ng Class 76 at 78 ng Philippine Military Academy bilang pagkatig kay Vice President Gloria Macapagal-Arroyo na nananawagan sa pagbibitiw ni Pangulong Joseph Estrada sa puwesto.
Ito ang kinumpirma kahapon ng founding member ng Rebolusyunaryong Alyansang Makabansa na si ret. Gen. Edgardo Abenina batay sa ulat na nakaabot sa kanilang grupo.
Usap-usapan umano ito sa mga sundalong nagtapos sa PMA bagaman hindi pa ito napapatotohanan.
"Nakatanggap kami ng mga text sa cellphone na nagsasaaad na merong mga pinuno ng Armed Forces of the Philippines na maaaring mag-"mass leave" bilang pagtutol sa pamamalakad ni Estrada.
Pero sinabi ni Defense Secretary Orlando Mercado na hindi apektado ng napaulat na planong mass leave ang AFP na buo ang paninindigang huwag manghimasok sa partisan political activities.
Samantala, sa Malacañang, pinabulaanan ni Press Secretary Ricardo Puno na may magaganap na military takeover umano sa bansa. Idiniin niya na tiwala ang Malacañang na tapat sa Konstitusyon ang militar at hindi ito lalahok sa pulitika.
Itinanggi rin ng Malacañang na magbabakasyon ang PMA Class 76 at 78. (Ulat nina Joy Cantos at Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest