^

Bansa

RP consul kinasuhan

-
Sinampahan kahapon ng kasong kriminal ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang konsul ng Pilipinas sa Bandar Seri Begawan, Brunei Darrusalem na si Reynaldo Martinez dahil sa umano’y sexual harassment at oral defamation na ginawa niya sa isang overseas Filipino worker na si Ermenilda E. Bautista. Sinasabi sa reklamo na, nang tumakas si Bautista sa kanyang abusadong amo sa Brunei, nagpasaklolo siya sa konsulado ng Pilipinas pero, bago siya tulungan, hiningi sa kanya umano ni Martinez na sumiping siya rito at masahihin niya ang katawan ng naturang opisyal. Sinabi pa ni Martinez na bibigyan niya ng sewing machine at trabaho si Bautista at pag-aaralin niya ang anak nito pero tinanggihan ng biktima ang mga alok. Nang muling magkita ang dalawa, kinastigo umano ni Martinez si Bautista at ininsulto at pinagsabihan ng masasakit na salita ang biktima sa harap ng ibang mga opisyal ng embahada. (Ulat ni Grace R. Amargo)

AMARGO

BANDAR SERI BEGAWAN

BAUTISTA

BRUNEI

BRUNEI DARRUSALEM

ERMENILDA E

GRACE R

NANG

PILIPINAS

REYNALDO MARTINEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with