NBI chief 1 buwan nang leave, nalalagasan na ng mga daliri

Unti-unti umanong nalalagas ang mga daliri sa kamay ni National Bureau of Investigation Director Federico Opinion dahil sa paglala ng sakit niyang diabetes. Kasalukuyang mahina at nakaratay sa National Kidney Institute si Opinion na isang buwan nang nasa opisyal na sick leave. Apat na daliri na umano ni Opinion ang naputol dahil sa kanyang karamdaman. Umaakto ngayong hepe ng NBI si Deputy Director Carlos Caabay. (Ulat ni Ellen Fernando)

Show comments