^

Bansa

Presyo ng pasahe ng 2 Taiwanese airlines binabaan daw

-
Ibinagsak umano ng dalawang Taiwanese Airlines na may rutang Manila, Taiwan at United States ang singil sa pamasahe upang masolo nila ang mga pasahero patungo sa nasabing bansa na labis na kinondena ng pamunuan ng Philippine Airlines (PAL).

Ang problemang ito ay napag-alaman mula sa tanggapan ni Taipan Lucio Tan, may-ari ng PAL na nakabase sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Batay sa impormasyong nakalap mula sa isang opisyal ng PAL na tumangging magpakilala, ang Eva Airways at China Airlines ay patuloy na nag-aalok ng ‘bagsak’ na presyo ng pamasahe sa mga pasahero ng Manila patungong Estados Unidos na higit na mababa kumpara sa halaga ng kanilang operasyon.

"This is really unfair competition, perhaps a scheme designed to drive us out of the US marker," ani ng source.

Idinagdag pa nito na hanggang sa ngayon ay patuloy pa umanong nagbebenta ng tiket sa napakababang presyo ang Eva Air at CAL kumpara sa PAL, Northwest Airlines, Cathay Pacific, Korean Air at Asiana na hindi kayang makipagkumpetisyon.

Ibinunyag din ng ilang travel agencies na ang Eva at CAL ay kinumpirmang nagbebenta ng tiket sa Manila-Taipeh-San Francisco at Manila-Taipeh-Los Angeles routes sa halagang $300 lamang. (Ulat ni Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

CATHAY PACIFIC

CHINA AIRLINES

ESTADOS UNIDOS

EVA AIR

EVA AIRWAYS

KOREAN AIR

MANILA-TAIPEH-LOS ANGELES

MANILA-TAIPEH-SAN FRANCISCO

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

NORTHWEST AIRLINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with