^

Bansa

Hold-order sa 7 testigo sa impeachment hingi

-
Hiniling kahapon ng 11-kataong prosecution panel ng House of Representatives sa Senado na magpalabas ng hold departure order sa pitong mahahalagang testigong ipatatawag nila sa paglilitis sa impeachment case laban kay Pangulong Joseph Estrada.

Kabilang sa mga testigong hindi papayagang makalabas ng bansa sina Atty. Edward Serapio, abogado ng Pangulo; Yolanda Ricaforte, auditor umano sa payola na tinanggap ng Pangulo sa jueteng; George Go; Raul de Guzman; Mila Reforma; Danilo Reyes at Betty Bagsik.

Sinasabing si Serapio ang tumanggap ng P200 milyong koleksyon mula sa jueteng para sa Pangulo. Ibinigay umano ni Serapio ang pera kay Betty Bagsik para ito ang magdeposito ng koleksyon sa Erap Muslim Youth Foundation. Tumatayong incorporator at trustees ng foundation sina de Guzman, Go, Reforma at Reyes.

Sinabi ng panel ng tagausig sa pangunguna ni House minority leader Feliciano Belmonte na hindi dapat makalabas ng bansa ang naturang mga testigo dahil mahalaga ang kanilang nalalaman sa impeachment complaint.

Samantala, hiniling ni Senador Renato Cayetano na imbestigahan ang umabo’y "pagduktor" sa journal ng Senate session no. 35 noong Nobyembre 15 na naging dahilan para makapagsumite ang mga abogado ng Pangulo ng motion to quash na humihiling na idismis ang impeachment complaint. Sinabi ni Cayetano na may isang salitang nadagdag sa naturang journal na nagbigay ng pagkakataon sa defense panel na magsumite ng motion noong Biyernes.

Pinatungkulan niya ang salitang "not" sa "file his answer" na isang bahagi ng pahayag ni Sen. Francisco Tatad. (Ulat nina Marilou Rongalerios at Doris Franche)

vuukle comment

BETTY BAGSIK

DANILO REYES

DORIS FRANCHE

EDWARD SERAPIO

ERAP MUSLIM YOUTH FOUNDATION

FELICIANO BELMONTE

FRANCISCO TATAD

GEORGE GO

GUZMAN

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with